Ano Palayaw Mo?

December 25, 2007 at 7:16 am (Book Material)

Chuy ang palayaw ko. Bunso ako dati sa magkakapatid kaya naging bunsuy, na naging Unsoy na pinabango ko lang nung college kaya’t ako’y naging Chuy. Ang totoong Chuy ay si Renante Nudo, kaklase ko noong elementary. Pasensya na lang sa kanya at hindi niya naipa-patent ang palayaw niya. Hindi niya rin alam hanggang ngayon na ginamit ko ang palayaw niya. Belat. Karamihan sa atin ay may palayaw. Si Michael ay nagiging Mike. Si Isabella ay nagiging Isay at si Renato, dahil napakatandang pakinggan ng kanyang pangalan, ay nagiging Nate (ayaw niya ng Nato, yuckie!!). Dito sa looban, hindi batid ng karamihan ang tunay na pangalan ng isa’t-isa. Madalas ay nalalaman lang namin ang tunay na pangalan, kunwari ay ni Mang Kardo, ‘pag natigok na siya. Mababasa ko na lang sa isang malapad na ribbon na naka-pin sa itim na trapal ang isang “Enrico Ricardo Fernandez” at ang lugar na kanyang pinagbuburulan. Wala pala kaming Mang Kardo dito, pero at least nakuha mo ang ibig kong sabihin. Pero sige, eto: may pinsan akong namatay, tawag sa kanya dito ay Enteng. Real name: Vincent.Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa palayaw ng aking kapit-bahay, kasama na ang kanilang katangian.

1. Codename Mang Texas: Matagal na itong character sa aming looban, pero hanggang ngayon e hindi ko pa rin mapinpoint kung sino siya. basta legendary itong si Mang
Texas at lagi ko na lang naririnig dati na pinaguusapan ng mga tatay ko si Mang
Texas.

2. Codename Itik: Si Mang Vic, tatay ni Ton-ton Noo. Hindi ko alam kung bakit Mang Itik ang tawag sa kanya. May myth dati na mahilig siya sa pagkain ng itik, pero hindi ako naniniwala. Hindi naman siya mukhang itik. Ah ewan.

3. Mel Paa: matangkad si Mang Mel Paa. Paa ang shorter version ng nickname niya. Ang cute no? bagay siyang mag-kristo sa mga senakulo kasi long hair rin itong si Paa. Malakas rin ang sense of humor. Jesus Christ with a punchline, astig! Siya rin pala ang takbuhan ng mga tao kapag problemang kuryente na ang pag-uusapan. Magaling siyang magkabit ng kuntador, magkumpuni ng linya ng kuryente pag alis ng meralco at uminom. One of the loyal friends ng tatay ko, if I may add.

4. Boy Paos: Patay na si Mang Boy Paos, pero hindi ko pa rin malilimutan ang kanyang ginintuang boses. Boy Paos ang tawag namin sa kanya kasi, uhm…paos siya magsalita. Hindi ko alam kung hereditary yun, pero hindi na bumalik sa normal ang boses niya. Malamang nga na iyon na ang normal na boses niya. Naalala ko dati, nalimutan kong wala palang brake ang bike ko. Tapos pagliko ko eh nandun si Paos at nasalpok ko, head on collision. Hindi siya makasigaw kasi Paos nga siya. Hehe, I like that guy.

5. Bogart: hindi ito ang tunay na pangalan ni bogart at misteryo pa rin kung ano talaga ang birthname niya. Mula pagkabata eh hindi ko na nakitang may suot na kamiseta itong si mang bogart. Laging siyang hubad sa pang-itaas at ibinibilad ang kanyang sandamakmak na tato sa katawan. May tato rin pala siya ng mga naging babae sa buhay niya, with matching replica ng mga mukha nila. I must say magaling ang taste niya sa babae. Si aling Brenda na kanyang balo eh nandun rin, siya ung nasa bandang puso. How sweat!!!

6. Pepay: hindi kikay si Mang Pepay at siya ay isang mama, napaka-ironic sa kanyang kikay na pangalan. Malaking mama si Pepay, at may gintong cast ang kanyang isang ngipin sa kaliwa. Laging malinis sa katawan itong si Mang Pepay. Mukha pa siyang suplado, pero mabait naman kapag nakahututan dila mo na. last na update ko sa kanya e hiwalay na sila ng asawa niya at may kinakasama na siyang iba. Tsk tsk tsk…

7. Boy Bulag: Siya ang asawa ni Jenny, ang object ng mga “baho” jokes ng mga bata sa amin. Well, you guessed it right! Bulag si Boy, thus the nickname. Masigasig sa buhay itong si Bulag. Kahit maralita at hindi nakapagtapos, sa malinis na paraan pa rin niya kinukuha ang perang pang-tongits ng asawa niya at pagkain ng mga anak niya. Last update ko eh kinuha siyang janitor ng elementary school ko dati.

8. Dyablo: tito ko si Dyablo or Uncle Dyab sa aming magpipinsan. Hindi kami close nitong si Uncle Dyab pero wala naman kaming masamang tinapay sa isa’t-isa. Bihira na siya pumunta sa compound namin, pero nung dating madalas eh paborito niyang gawin ang tumae sa kahit saang bahay ng mga kapatid niya. Ang asawa niya ngayon ay kanyang ginapang dati. Bente taon mahigit ang agwat nila. He’s my man!! May sipa pa si Uncle Dyab. At may asim pa (literally) 9. Puso: isa sa mga kababata ko itong si Puso. Edward ang tunay na pangalan niya. Puso kasi isa siyang blue baby o ung mga taong may butas sa puso.
Para siyang anak ni mr. shooli kasi singkit at mukhang laging basag sa droga kung magsalita. Nakakatuwang bata itong si Puso kasi off-beat ang sense of humor, kaya astig siya. Namatay na pala si Puso. Guess why?
 

10. Joy Bukol: isa rin si Joy sa mga kababata ko, although mas bata siya sa akin. Nung bata pa ako’t may uhog sa ilong, si Joy ang favorite na tampulan ng tukso ng mga bata, lalung lalo na ni Ricking anak ni Aling Martina. Galit na galit si Joy sa tuwing sinasabihan siyang Bukol! Bukol! Bukol! Hindi naman lampayatot si Bukol. Lampa lang tlaga ito dati at laging nadadapa nang mag-isa, nauuntog sa mga bahay-bahayan at buro sa tumbang preso.

11. Jun Payat: pinsan ng tatay ko si Tito Jun Payat. Matangkad na tao rin ito, mas matangakad pa kay Paa. Lahat ng mga anak niya eh nagmana sa height ng tatay nila. Matangkad man, sobrang payat naman niya. Isa siyang perfect example ng stick man. Mahilig rin palang maggitara si tito jun. un lang.

12. Boy Bicol: hehe, secret lang natin itow. Si mang boy bicol eh kalapit-bahay lang namin, kahit taga-bicol siya. nasa itaas ng gripo namin sa labas ang bintana ni mang boy bicol. Isang hapon na maghuhugas ako ng bigas para isaing, may narinig akong mga impit na iyak mula sa bintanang un. Tumuntong ako sa gripo at sumilip. Laking gulat ko nang makita kong inaararo ng halik ni mang Bicol ang kasama nila sa bahay ng asawa niya!!! Dose anyos ako nun kaya medyo alam kong hindi lang isang klase ng laro ang ginagawa nila. After how many years ko na lang nalaman na pamangkin pala iyon ng kanyang asawa. Hiwalay na si Mang Boy Bicol at yung asawa niya. Nagasasama na ngayon si Mang Boy Bicol at kanyang pamangakin este bagong asawa.

13. Neneng Tiwang: kahit na ganito ang tawag ng ilan sa tita ko (pinsan ng tatay ko) eh may paggalang ako kay Ate Ne…neeeng tiwang Dati nung bata ako eh takot ako sa kanya kasi nga ang pangalan niya eh tiwang meaning: baliw o sira ang ulo. Ngayong sira-ulo na rin ako’y nagkakaintindihan na kami.

14. Ton-ton Noo: si ton-ton noo ang pinakasikat na bata sa amin dati. Paano ba nman, after weeks na nawala siya, natagpuan si Ton-ton sa kung saang lupalop ng Pilipinas at dinala sa studio ni ate luds. Eye to eye man!!! Instant celebrity si Ton-Ton at nanay niya nung pinakita sila sa channel seven, dun sa lost and found portion ng eye to eye. Uhm, malaki pa rin hanggang ngayon ang noo ni ton-ton na parang may sariling buhay.

15. Nineng Muta: asar na asar ako sa kapatid ko dati kapag tinutukso ako kay Nineng Muta. Bakit? Ang tantalizing kasi ng mga mata ni Nine. Kumikinang kasi sa sikat ng araw ang kanyang mina ng mga muta sa mata. Hardcore man! Kung may nakapasok sigurong buhangin sa mata ni nine, ngayon eh perlas na ito.            Palayaw man o tunay na pangalan, kilala namin ang isa’t-isa bilang kapit-bahay, noon man o hanggang sa ngayon. Sana lang ay laging may nakapaskil na itim na trapal sa bukana ng aming looban, para malaman namin kung sino si Francisco Alejandro Santibañez ‘Y Zaragoza – Si Boy Bote ba ‘to o si Dodong Tulak (ng shabu)

Post a Comment