Go Go Passport Rangers!!
seven ako umalis ako ng opis kasi sabi ni Raiz na aking opismeyt eh mahaba na ang pila dun ng ganung oras. sarap na sarap pa naman ako sa panonood ng transformers da movie (salamat Pao! yodaman!!) sa aking makinang tagabilang, pero mahirap nang makipagsabayan sa halu-halong pawis, muta, sipon plema at putok sa kile-kile’t iba pang singit ng ibang tao. mabuti nang maamoy ko ang “maba-ngong” ako. baba ng bilding, para ng taksi. DFA po manong taxi.
After thirty mins ng pakikipaghututang dila kay manong taxi, ibinaba na niya ako sa tapat ng DFA, along Roxas. Ayos, may pila pero hindi ganung kahaba. maaga akong matatapos. pipila na dapat ako nang sigawan ako ng sekyu.
“Passport ka ba totoy? dun sa kabila un, hinde dito”
ako: “…ah…okey.”
suspicious looking character: “boss, passport po kayo, hindi dito, dun sa kanto pasok kayo dun.”
hindi ko pinansin.
“oi, boss, dun ha…”
diredirecho lang ako papunta dun sa sinabing direksyon nung sekyu kahit hindi ko pa talaga alam kung saan eksakto.
“kulit nito, boss dun oh..dun sabi eh”
“pota, huwag mo akong sundan!!! (with matching UST tiger look)”
matapos ko kasing maholdap ni ate at kuya holdaper, naging parte na sila ng aking puso’t isipan. sila ang dahilan kung bakit paranoid na ako pag may suspicious looking stranger sa paligid ko. alam ko namang fixer lang ung si totoy sunod, pero may daga pa rin ako sa dibdib.
eksaktong pagliku ko sa kanto, pagtaas ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang isang tanawing halos ikahiwalay ng kaluluwa ko sa aking pisikal na sarili.
iba’t-ibang klase ng tao ang nasa tapat ng gate ng DFA. sari-saring mga manong at manang, kuya at ate. may baguhan na kagaya kong mang-mang, may sanay na sa pagpapabalik-balik at meron ding pabalik-balik na pero hindi pa rin alam kung ano ang tunay na proseso. may mukhang mabaho, may mabaho talaga, may libaging mabango up close and personal, may kagaya kong fresh…from night shift, may mandurukot, mukhang mandurukot, tindera ng hopyamanipopcornaatViiiicks!, may magjjapan, magbbrunei, magyayaya, maghohosto, kusinero, magbabakasyon, magbabakasakali. halu-halo talaga. lahat may layuning umalis ng bansa (except ako. hindi pa ngayon. mabuti lang na handa, I guess.) ay oo nga pala!! meron ding palang fixers.
tumpak: fixer. FIXER. F-I-X-E-R. kung may kinokonsider siguro ang Diyos dati na gawing hayop pero nag-iba ng isip at ipinasa na lang bilang tao, siguro ito ay ang mga hinayupak na fixers.
hindi naman sa hindi ko alam na may ganun sa DFA. bago pa nga lang ako pumunta, sinabi ko sa isip kong hindi ako makikipag-usap sa mga nasa labas. dun lang ako makikipag-usap sa mga nakabihis sekyu sa harap ng DFA. na hindi ko nagawa. kasi, kinonsidera kong security guard rin ung mga manong na mukhang taga-doon lang pero kuntodo bihis ng polo barong at black slacks with matching laminated na IDs at hawak na maliit na pat-pat. kahit kasi nasa labas sila eh hinaharap nila ung gustong pumasok sa loob, sinisita at tinuturo ung helera ng mga photocopy at picture-picture dun sa gilid ng gate. dun daw ang first step. (hint: hindi sapat na tingnan niyo lang ang ID sa malayo. Pansining mabuti. Ano ang inyong nakikita? Ellen’s PhotoShop! Hi I’m nonoy, may I help you?)
ako ay tanga. Oo naman ako kay manong “guard” at nagpasalamat pa sa matapat na pagtupad sa kanyang tungkuling lokohin ako. punta tuloy ako sa isang mainit na silungan sa gilid.
Ate frontdesk: fill-up niyo po itong application. may picture ka na?
Tanga: opo. (sabay abot ng pix)
Ate FD: ha? ikaw ba ito?
maliang size (ano naman ang koneksyon ng size sa hitsura??) hindi ikaw to eh.
Tanga: ako po yan.
ate FD: ang haba na ng buhok mo dito eh
Tanga: …hindeeee haaaa, kahapon lang ako nagpakuha niyan. (may halong kaba)
Ate FD: …hindi to puwede (sabay baba ng mga papel ko)
Tanga: …
Tanga: (alam ko na ang initial na katangahan ko) ah ganun ba? o e di magpapapiktyur ako seño!! o san ba? e di sige picture lang pala eh. Picture? Picture!!
Ate FD: (luminaw ang pagmumukha sabay smile) dun sa loob
labag man sa loob ko, hindi ko na ininda pang magpapictorial at mahuthutan ng karagdagang 155 pesos para sa mukha kong nasa papel. eight pieces.
isa lamang un sa series ng mga binayaran ko sa mainit na silunang iyon na may photocopy at photoexpress in one. meron ding bayad sa photocopy ng dokumentong, hindi ko naman napansin na kung saang may sabit sa puwet na kamay napunta. total gantso: 180
nandun ako, nag-iisa at naghahanap ng karamay. ikanga ng kaibigan kong si Gadia eh: Adversity breeds friendship.
Nakilala ko si Manong Arvy (sana eh tama ang rinig ko’t spell sa pangalan niya) sa silungan. nagpapicture rin pala siya dun at ung mga hinayupak ang nagstapler-staple at dikit-dikit ng mga picture niya sa mga karampatang lugar sa mga papel namin. matagal na raw niyang ginagawa un. magrrenew daw siya ng passport kasi aalis na ulit siya papuntang Libya. Cook raw siya. hindi ko na inintriga si Manong Arvs kung magaling ba siya talgang magluto dahil concern ko ngayon ang aking passport. ayos, sabi ko. ngayon sigurado akong tama itong tinatahak kong landas.
next stop daw namin ung agency dun sa orange na building, medyo malayo na sa DFA. lakad. lakad. usap. hututang dila sa buhay abroad. Welcome to Brave Travel Agency, where your money is our business.
ito na ang hardcore na part ng Passport experience ko. pagpasok na pagpasok, amoy ko na agad ang anomalya ng lugar na ito. si manong arvs naman eh mistulang sanay na sa mga nangyayari sa loob. maraming taong naka-upo, iniinterview, namumutla dahil kinukuwestiyon ang mga dokumento, daig pa US visa. talagang kung gusto mo ng total at ultimate power tripping, magtrabaho ka sa Brave Travel Agency. walang pakundangan ang mga “employees” dun. lolokohin ka na, pagttripan ka pa.
gayako na muntik nang matodohan.
isinama ako ni Manong Arvs (heretowith known as Manong Tanga x4 dahil pang-apat na balik na raw niya) sa isang desk.
Manang Desk: new passport po?
Semi Tanga: Opo.
Manang Desk: akinana ung documents niyo.
Semi T: (abot papeles)
Manang D: hmhuhmhuhm (tatak tatak) (ilan kaya mabibiktima namin, la lala lala). okay na po (sincere na ngiti kuno), dun na lang po sa cashier for 700 initial fee. bale po may balance pa pong 1,000 upon receipt of the passport. dito niyo na po kasi kukunin dahil kami na maglalakad.
Semi T: ahh…salamat po!
bayad 700. sulat resibo. hindi ko napansing nasa kanila pala ung resibo at hindi rin binigay sa akin (later ko pa malalaman). pagkatapos nito eh pinasunod nila ako sa isa pang desk kung saan mayroong dalawang lalaki “ag-eevaluate” ng papeles bago dalhin sa DFA. ung isa eh si Kuya Suave at Kuya LongHair. alam niyo na naman siguro ang dahilan kung bakit un ang pangalan nila. mahabang usapan. paliwanagan. wala po akong Jr. dyan kasi…pero…kahit na ganun po hindi pa rin puwede? Hinde sa lahat. Ang bottomline, kailangan kong magproduce ng affidavit para patunayang ako ung nasa photocopy ng UST id kong walang Jr. at ung applicant ng passport. kung ayaw ko raw lakarin, mas mabuti nang sila ang maglakad, 300 dalawang letra lang un at isang tuldok, pero malaki ang ikababago ng buhay mo!! Sige kayo na lang, sabi ko. Okei, sabi ni kuya suave. Ibigay ko na lang daw kay kuya longhair ang 300 pagbalik naming galing ng DFA. (after kasi sa Brave Travel eh sasamahan kami ni Kuya longhair sa DFA para i-assist sa pagpprocess.)
Total Gancho: 155+20 (photocopy)+700= 875
nakilala ko si Daisy dun sa second floor ng building dahil nagpapaphotocopy siya gaya ko ng ID bago pumuntang DFA kasama ni longhair. Hindi lang mukha ni Daisy ang mataray, talagang certified mataray pati asta at pananalita. Perfect, sabi ko. Nga pla, nung mga oras na un eh wala na si manong arvs dahil tapos na ang kanyang “application process”. Ika ko kay daiz, “bakit may processing sa labas ng DFA?”
“hindi ko nga rin alam eh. Sabi kasi ng kapatid ko wag makikipag-usap sa mga nasa labas ng DFA, direcho lang daw sa loob.”
“may kasama ko kaninang mama, matagal na raw niyang ginagawa ung pagpunta dito. Apat na beses na nga raw eh.”
“ewan ko, pero naghihinala pa rin ako”
“ako rin eh”
Habang nag-uusap kami nito eh sumasabad ung si neneng photocopy ng “licensed naman po ng DFA ung mga agency eh. Katulad rin po nila kami” hindi namin siya pinapansin.
DFA here we come! Habang nasa daan, narinig ko ang isang tinig sa megaphone na paulit-ulit sa kanyang mensahe.
“Paunawa po sa lahat ng applikante. Huwag po kayong makikipag-ugnayan sa mga tao na nasa labas ng DFA. Dumirecho lamang po tayo sa guard at ilabas ang inyong dokumento at tuloy-tuloy po tayo sa court sa loob. Maraming salamat po.”
Moment of illumination. Ang absolute ng mensahe. Short but simple rule, isang sampal sa katalinuhan ko. Narealize ko kung gaano ako…alam niyo na ang susunod.
Habang papasok, nag-uusap-usap kami ni daizy at iba pang biktima. Nag-isip. Naghaka-haka. Conflict of the story.
Taray mode si daisy; kalmado lang kaming tatlong lalaki pero bukas ang tenga at mabilis ang mga mata sa kung anong mangyayari. Sinunod-sunod ni Daisy si Kuya LH. Talak. Tanong. Suspecha.
Para matapos ang usapan, sabi ni LH, eh i-pullout na lang namin ung application. Na siya naman naming ginawa.
Balik ng Brave, direcho sa cashier (na by the way ay ngongo pala. Grabe, ngongo na nga, kasabwat pa sa ganitong gawain.)
Daisy the Group Leader: MISS. Mag-ppullout na kami ng application.
Ate NGO: Hnga? Ngullout? Ngasan ngesibo niyo?
Daisy the GL: Wala di ba, hindi niyo binigay sa amin? Nasaan na????…!!!
Ate NGO: (medyo nagulat but maintains composure) …ngandun sa ngakamink!
Daisy the GL: ano? Nakapink?
Semi Tanga: Oo, dun sa ngakamink!! (first time kong nangiti sa buong experience na ito)
Punta kami sa ngakamink. Hiningi namin ung resibo namin. Kunwari ay nagbisi-bisihan ang drama ng best actress na mukhang nasa menopausal stage na. may hawak na logbook ung ngakamink, at sa isang kamay naman niya eh ung mga resibo naming (natanaw ko kasi ung resibo nung kasama naming isa. Hindi ko tanaw ung pangalan, pero alam ko ung kurba nung sulat niya dahil kasunod ko lang siya kanina). Inipit ung mga resibo sa ngagbuk ngapos tumayo sa desk niya dala ung ngagbuk.
Hindi alam ni manang ngakamink, sinundan ko siya sa loob, doon sa initial na pinagdalhan sa akin. Iniabot niya ung logbook sa kasama niya- si aling nene (later ko pa malalaman pangalan niya)- at bumalik na sa desk, hindi ako napansing sumunod. Saktong ipapasa naman ni aling nene (mahiya siya. Lola na siya tapos manggagantso pa rin siya) kay totoy binatilyo with young mustache ung logbook (na sa tingin ko’y para itago) pero bago niya magawa iyon eh nakita kong inginuso na ako ni totoy binatilyo kay aling nene sabay lingon naman sa akin ng hitad na matanda.
Sakto naman nun eh dumating naman ung rest ng power rangers at hinahanap this certain person who goes by the name of “Nene”.
Red power Ranger este Daisy the GL: ASAN SI ALING NENE????
Semi Tangang Ranger: heto si aling nene, ung pinagpasahan ng resibo nung ngakamink!!!
In short, walang nagawa ang halimaw sa lakas at determinasyon ng mighty morphin passport rangers!! Ops, ops, hindi jan nakaipit ung resibo namiiiin, you naughty grandma! Ayun oh, ung makapal, ni hindi nga resibo ung hawak mo eh.
“may 100 pesos charge para sa service fee.”
Bago pa sumabog si Daisy eh pinigilan ko na’t nagrationalize na lang ako, para wala nang gulo
“sige na, okay na un. Pinagkaabalahan naman nila tayo ng oras eh, tama na un. Sige na, 600”
Sa hinaba haba ng tinagal ng oras naming dun, nabawi rin namin sa wakas ung 600 namin. Sabay-sabay na dapat ang passport rangers ng pagpunta sa DFA pero kinailangan ko pang magpagawa ng affidavit dahil wala ngang Jr. ung isa kong papel (which later on ay nalaman kong wala naman palang problema un, dahil iba kami ng middle initial ng tatay ko.)
Total Gantso: 875 -600= 275-155 (dahil nabawi ko naman ung pix ko)= 120
Maaliwalas sa loob ng DFA, di katulad sa Brave na nangangakong magiging maayos ang proseso ng application ko. 45 minutes lang ay natapos ako. Total na bayad sa loob ng DFA ay 500, plus 180 na home delivery charge dahil ayoko nang bumalik dun. July 14, asahan ko raw na nasa palad ko na ang aking pasaporte.
Thankful na rin ako pagkatapos ng experience kong ito kanina. Buti na lang at hindi ako natodohan ng organized na panggagantso na itow.
Sanaay may napulot kayong aral sa aking munting katangahan. Hanggang sa susunod na pagbblag!
(closing muzak: Babalik ka rin)