Si Chuy
Corny. Mababaw ang kaligayahan kaya madalas na masayahin. Minsan, sinabi niya sa isang kaibigan na, “…tayo ang gumagawa ng sarili nating happiness“, pero hanggang ngayon ay hindi niya alam ang sangkap sa kasayahan na hindi napapanis. Kung mababaw ang kaligayahan niya’y ganun din ang luha niya. DramaQueen. Kung kasama mo siyang nanonood ng isang madrama na palabas eh ipapalipat niya ng channel ang TV at sasabihing, “Problema ng ibang tao, pinoproblema natin. Lipat mo nga yan!” Ang totoo nun ay pinipigilan lang niyang ipakita sa ibang tao na may kumukurot sa kanyang dibdib. Mas mahal niya ang mga kaibigan kesa sa sariling kamag-anak. Callous madalas, o kaya nama’y sadya lang dry ang humor. Gusto niyang maniwala na astig siyang tao. Na saliwa sa mainstream ang karamihan sa preferences niya pero niloloko lang niya ang sarili niya. Naniniwala siya sa isang saying ng isang tao na hindi na niya maalala. Basta ang sabi nun eh parang, I admire scarred people…for I know they will survive. Naniniwala siyang magiging mabuti ang lahat sa kanyang hinaharap, kahit maliit ang kanya.Gusto sana niya na ito na ang huling blog na pagbubuhusan niya ng kanyang saloobin. Pangarap din niya na matapos na ang libro na hindi pa niya sinusulat. Tanginang yan, oo nga pala, magsusulat pa ko.