Pagpikit ng Mata, Langit nakatawa — Paalam Rene
Hindi kami “Personal” na magkakilala ni Rene Villanueva ngunit ganun pa man ay nagulat pa rin ako nang malamang pumanaw na pala siya noong Dec. 5. Hindi man lang siya umabot sa kapaskuhan. Iyon siguro ang pinaka-aabangan niyang araw sa bawat taong nagdaan dahil alam kong sa puso niya, siya’y isang bata. Kaya siguro naapektuhan din ako sa kanyang pagpanaw. Siya ang Jim Henson ng Pilipinas dahil siya ang pangunahing lumikha ng Batibot. Ang Batibot na lubos kong kinagiliwan noong ako’y bata pa. Ang Batibot na nagturo sa akin ng ABAKADA at Isa Dalawa Tatlo- ang nagturo sa akin ng magagandang asal at masasayang alaala. Ang Batibot- si Rene Villanueva.
.
Dati tuwing gabi, hindi ako makapaghintay para magising upang mapanood lamang ang Batibot. Nasasabik akong mapanood muli sina Kiko Matsing at Pong Pagong. Natutuwa ako habang binibigkas ang “sitsiritsit…alibangbang…” at kapag pinapakita na ang kalahati ng katawan ni Ning-Ning at Ging-Ging. Nabatid ko ang kaibahan ko bilang isang Pilipino at tinuruan ako ni Rene na maging mabuting halimbawa nito.
.
Ito ang Batibot ko…at ng marami pang Pilipino. Hindi namimili ng katayuan sa buhay ang Batibot. Lahat kahit matatanda ay kaya nitong turuan ng ginintuang mga aral. Nagpapasalamat ako’t naging bahagi ng aking buhay ang Batibot at sa ganoong paraan ay si Rene.
.
Paalam Rene. Tingnan mo, nakatawa na ang langit…

Hindi ko man lang napapirmahan ang libro ko sa kanya.
Batibot Theme Song
PAGMULAT NG MATA,
LANGIT NAKATAWA
SA BATIBOT,
SA BATIBOT
TAYO NANG MAGPUNTA
TUKLASIN SA BATIBOT
ANG TUWA, ANG SAYA DOON SA BATIBOT
TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT
MALIKSI, MASIGLA. (2X)DALI, SUNDAN NATIN
ANG NGITI NG ARAW
DOON SA BATIBOT (2X)
TAYO NANG MAGPUNTA
TUKLASIN SA BATIBOT
ANG TUWA, ANG SAYA
DOON SA BATIBOT
TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT
MALIKSI, MASIGLA. (2X)
Music by:
LOUIE OCAMPO
Lyrics by:
RENE O. VILLANUEVA
Captain Howdy
Scary. The kind of image you wouldn’t want to remember when you are about to turn off the light of your room. ShooShoo Fontana has told me Captain Howdy was the image shown for a split second in The Exorcist series. Apparently, the image is the real source of spook in the movie and not Linda Blair’s head “stunts”. Captain Howdy…how welcoming.